Pangarap

Pangarap. Ang dami natin n’yan. Magandang bahay, successful na trabaho, mataas na sahod, masayang pamilya, in short, gusto natin ng perpektong buhay. Yan ang pangarap ko, at ng bawat isa satin, aminin man natin ito o hindi. Subalit ano nga ba talaga ang pangarap? Ito ba yung isang bagay na nasa isipan lang natin na kahit kailan e hindi magiging totoo? Masayang mangarap. Ito lang kasi ‘yung libre, pwede mong gawin kahit anong oras at higit sa lahat walang expiration date. Lahat tayo may pangarap, pero hindi lahat nagagawang totoo ang mga ito. Sabi nila, ‘pag may determinasyon daw makukuha mo daw ‘yung ‘pangarap’ mo. Sabi ko naman, kung determinasyon lang din madami ako n’yan pero hindi lang kasi ito ang kailangan. Utak, Lakas ng loob at kadalasan pera din ang ilan sa mga kailangan mo para matupad ito. Sa madaling salita, hindi lang talaga determinsyon ang maghahatid sa’yo sa iyong pangarap. Hindi ganun kadali makuha ‘yung bagay na pinapangarap mo. Minsan may mga bagay din na sadyang hindi lang talaga laan para sa’tin kaya kahit anong ‘determinasyon’ meron ka, hindi mo parin makuha-kuha. Minsan naman, hanap ka ng hanap sa mga lugar na hindi mo naman ‘yun makikita. Nasa harap mo na ‘yung pangarap mo, hindi mo pa makita kasi nakafocus ka sa ibang bagay. Nilalapitan ka na, ikaw pa ‘tong tumatakbo palayo. Minsan kasi akala natin eto na ‘yung kailangan natin, ‘yung magpapasaya satin pero hindi pala. Sa oras na malaman mong hindi pala eto ‘yung kailangan mo, nakalagpas na sa’yo ‘yung pangarap na nasa harap mo lang dati. Mahirap din palang mangarap. Kasi ito ‘yung nagiging dahilan mo kung paano ka mabubuhay, ‘yung bubuo sa kung anong klaseng tao ka man ngayon at kung anong magiging ‘ikaw’ sa hinaharap. Ako, hindi ko pa talaga alam kung ano ba talagang gusto ko sa buhay. Pero umaasa akong sooner or later, makikita ko rin ang ‘pangarap’ ko at ‘pag nangyari ‘yun, sigurado akong masasabi ko nang totoo ang pangarap. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s